Thursday, October 22, 2015

Edukasyon



Madalas sabihin ng ating magulang na ang edukasyon lang daw ang kayamanan na maipapamana nila sa atin kaya puspusan silang nagtratrabaho para tayo’y makapag-aral. Sinasabi rin na ang kabataan daw ay ang pag-asa ng bayan sa magandang kinabukasan ng bansa. Subalit, Paano maisasakatuparan iyon kung madaming isyu ang dapat aregluhin?

May mga isyung dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Isa na rito ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng bawat paaralan, pambuliko man o pribado. Dito mababase natin ang kakayahan na meron ang bawat estudyante at ng kabubuang populasyon.

Sunod ay ang kakayanan na magbayad ng edukasyon. Alam nating lahat na madaming naghihirap sa Pilipinas kasabay pa nito ang walang katapusang pagtaas ng bilihin. Tapos ay tataas pa ang tuition fees. Paano niyan makakayanan ng mga magulang na ipaaral ang kanilang mga anak sa magandang eskwelehan? Nasaan na ang konsiderasyon at pangarap na maiparal ang mga batang ito? Iyan din ang dahilan kung bakit madaming hindi nakakapagtapos na pag-aaral ay dahil sa kaukulangan sa pagtustos ng pag-aaral. Kaya kung minsan, ang mga mismong mga magulang ang sumusuko at nagpapatigil sa kanilang mga anak. Ito ay dahil na rin sa tingin nila’y walang patutunguhan ito at matatagalan pa.

 Isa pang isyu na dapat bigyang pansin ay ang pondo ng gobyerno sa edukasyon. Nasaan na nga ba napupunta ang mga buwis na kinokolekta sa mga mamamayan? Tinatalang milyon-milyon na ang nagastos para sa edukasyon. Ngunit, hindi pa ito sapat dahil ang perang ito ay nailaan na sa listahan ng proyetong na mas pinaprioridad ng gobyerno. Sa kasamaang palad, hindi matugunan ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansang ito. Kulang tayo sa silid-aralan, gamit at mga guro sapagkat ilan sa kanila’y nag-iibang bansa. Mataas nga ang sweldo ng pampublikong guro pero halos nakakapagod din ang kanilang ginagawa. Bakit at papaano nangyari iyon? Mayroon silang dalawang shifts. Sa bawat klase, meron silang 60-70 na estudyanteng tinuturuan. May mga gamit  din sila na maaring binili o may nagdonate nito. Subalit, hindi ito sapat. Kung minsa’y ginagamit ng mga guro ang kanilang pera para makagawa ng visual aids na makakatulong sa kanilang leksyon. May kanyan-kanyang pakuno o trip ang mga guro kung papaano nila maihahatid o maituturo ang isang paksa sa mga bata.

Mahalaga ang edukasyon para sa ikauunlad ng Pilipinas. Paano? Ito ay sa pamamagitan ng mga grumadweyt at siyang susunod na magpapatakbo ng Pilipinas. Sila ang pag-asa na hindi dapat baliwalain. Kailangan nila ang paggabay. Kaya ang edukasyon ang nararapat nating ibigay at ipalawak. Ito ay nagsisilbing unang hakbang sa naudlot na bagong Pilipinas. Remedyuhan ang problema sa edukasyon. Magsimula ngayon bago mahuli ang lahat.

Trabaho


Mga kapanalig, ayon sa resulta ng Truth Survey ng Radyo Veritas, ang kawalan ng trabaho ang pangunahing concern o issue sa ating lipunan ngayon. Sa Luzon, Visayas, at Mindanao, halos kalahati ng mga respondents sa survey ang nagsabi nito.
Hindi naman nakapagtaka na naging ganito ang pulso ng bayan. Nuong nakaraang January 2012 naman po kasi, umabot sa 2.9 million o 7.2% ng 40.3 milyong Pilipinong kasama sa labor force ang walang trabaho. Kumpara sa iba pang bansa sa Asya, medyo naging kulelat nga po ang Pilipinas. Kung sa atin ay 7.2 ang unemployment rate, sa Indonesia, 6.6 percent lamang, habang 3.1 percent sa Malaysia, 2 percent sa Singapore, 0.4 sa Thailand, 4.1 sa China, at 3.7 percent sa South Korea. Ayon pa sa mga eksperto, medyo mahirap maka-alpas sa 7 percent na unemployment rate dahil nadadagdagan ng isang milyon ang bilang ng mge unemployed kada taon.

Importante po ang trabaho, mga kapanalig. Maliban sa ito ang pinagkukunan ng kabuhayan ng bawat isa sa atin, ito rin ay daan ng atin kaganapan bilang anak ng Diyos.
Hindi ho ba’t ayon sa Panlipunang turo ng Simbahan, partikular na sa Rerum Novarum ni Blessed Paul II,  “work bears a particular mark of man and of humanity, the mark of a person operating within a community of persons.” Ang trabaho ay nagbibigay sa atin ng kahulugan, at tinuturuan tayong makilahok sa ating mundong ginagalawan upang ipagpatuloy ang paglikha ng Panginoon. Ang trabaho ay hindi lamang nagbibigay ng pagkain sa ating katawan, ito rin ay nag-a-animate sa sa ating pagkatao.
Kaya’t malaking injustice, mga kapanalig, kung ang trabaho ay ipagkakait sa atin at sa ating kapwa. Bilang isang kristyanong lipunan, responsibilidad natin na gawing mas “responsive” ang ating ekonomiya, ang ating merkado, hindi lamang sa kultura ng konsumerismo, kundi sa bokasyon ng bawat manggagawa sa atin.
Mga kapanalig, dapat po nating isa-isip na tayo mismo ay may magagawa upang buhayin ang ating ekonomiya upang dumami pa lalo ang mga trabaho para sa ating lahat.
Unang-una, kailangan na po ng mindset change sa ating mga pamilya, paaralan at eskwelahan. Kailangan po natin palawakin ang ating mga opsyon at kurso para sa ating mga anak. Kung dati rati po puro medical courses ang pinapakuha natin sa ating mga anak, baka kailangan na po natin bigyang puwang ang iba pang kurso o skill na tunay na hilig ng mga kabataan, at tumutugon sa “unique” na pagtawag ng Panginoon sa kanila.
Maari rin po tayong mamumuhunan sa ating sariling bayan, upang makapagbigay din tayo ng trabaho sa iba. Maari din tayong magyakag ng mamumuhunan sa ating bansa.
Mga kapanalig, huwag tayong mag-atubili sa pagtulong sa paglawig ng employment opportunities sa ating bansa. Bilang kristyano, lahat tayo ay dapat makita na ang trabaho ay isang pundamental na dimensyon ng ating pagkatao. Kapag napabayaan natin ito, hungkag ang ating pagkatao, at mahihirapan tayong mamuhay ng may tunay na kaganapan.

Kahirapan


Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?  Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali.

Ang rason kung bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng ating bansa ay ang mga sumusunod: 

      1. Ang dahilan ng kahirapan sa Pilipinas ay kakulangan ng pagtutulungan.
      2. Digmaan .
      3. Pagmamalabis
      4. Krisis
      5. Maling pagtrato sa mga pulubi at mahihirap.
      6. Ibang priority ng may hawak ng pera
      7. Kakulangan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga halaman at hayop.
      8. Pagtago ng pera ng ilan at hindi pinaiikot. 
      9. Nabalitang corruption.
     10. Kakulangan ng disiplina ng mga tao .

Kung patuloy nating paiiralin ang ganoong mga pag-uugali, hindi uunlad ang ating bansa. Walang mangyayari. Walang makakamit na progreso ang Pilipinas. Ngunit ang naisip ko lamang na solusyon sa kahirapan sa ating bansa ay pagkakaroon ng DISIPLINA. 
Ang hirap lang kasi yung iba wala naman yata sa bokabularyo nila ang salitang disiplina. Yun lang naman ang kelangan natin talaga. Hindi naman magagawa ng iisang tao ang pagbabago ng buong bansa. Tayong lahat ang dapat gumalaw para magbago.
Tigilan na rin natin siguro ang crab mentality. Imbes na matuwa dahil may nararating ang iba, naiinggit pa ang iba. Imbes na magsikap para sa sarili nila, naghihintay na may ibigay na lang ang gobyerno sa kanila. Kaya walang nararating ang iba sa atin.

Disiplina nga ang kailangan. Karamihan sa atin, lahat na ng pangit na nangyayari sa buhay nila, sa gobyerno nila sinisisi. Hindi sila nakapag aral, gobyerno ang sisisihin, wala sila trabaho, gobyerno nanaman ang may kasalanan. Wala silang makain, gobyerno nanaman. Nakakapagtaka tuloy bakit may mga indibibwal na nagmula din sa miserableng buhay, subalit sa pagsisikap ay nakaahon.
Disiplina nga ang kailangan. Kapag may disiplina lahat ng magagandang kaugalian ay susunod na. Matutong magsipag at magtiyaga ang isang tao. Hindi rin gagawa ng mali. Hindi rin aasa lang sa bigay ng gobyerno at lalong hindi nito sisisihin ang gobyerno. Pero ang tanong, paano matuturuan ng disiplina ang taong wala nito?

Kumilos na tayo hangga't may oras pang natitira. Masosolusyunan natin ang kahirapan basta tayo ay nagtutulungan. Kaya kung ako sayo, tulungan mo ang sarili mo na magkaroon ng disiplina at maya-maya kapag talagang sa tingin mong tiyak na mayroon ka ng disiplina, tumulong ka na sa komunidad upang makagawa tayo ng mas maunlad at mabuting bansa.